SEARCH HOME NEWS & FEATURES OPINION LIFESTYLE SPECIAL SECTIONS READER SERVICES | Nov 21, 2008

Comelec, malisyoso

Published: May 16, 2007   |     |     |   Subscribe: RSS or Email    

RELATED STORIES

Davao’s Joselito Cayetano Was Still a Candidate

Davao’s Joselito Cayetano Was Still a Candidate

Davao’s Cayetano Disqualified by Comelec

Oppositon lawyers barred from monitoring canvassing in Marawi, says Pimentel

Cayetano: Victim of Sinister Cheating or Incompetence?


Ni Noel Sales Barcelona, Ja Faune at Ryo Suda
Pinoyweekly.org

Binatikos ng progresibong mga partylist Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela, Kabataan at Suara Bangsamoro ang hakbang ng Comelec (Commission on Elections) na lagyan ng asterisk (*) ang kanilang partido sa listahang inilabas ng komisyon na gagamitin ngayong eleksiyon.

Sa pulong balitaan sa lingguhang Kapihan sa CyPress sa Treehouse, sinabi ni Anakpawis Rep. Rafael “Ka Paeng” Mariano na malisyoso ang gayong paglalagay ng tanda, bagay na inayunan naman ni Gabriela Rep. Liza T. Largoza-Maza.

Anila, maghahatid ng kalituhan sa mga botante ang tandang inilagay sa tabi ng pangalan ng partylist at pag-iisipin ang mga ito (botante) kung ano ang ibig sabihin ng asterisk sa tabi ng progresibong mga partylist.

Duda nila, sadyang ipinalagay iyon bilang “tanda” na ang mga partylist Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela, Kabataan, at Suara ay mga partylist na may kaugnayan sa kilusang komunista sa bansa. Nauna nang nagpaabot noon sa mga mamamayan si Sek. Norberto Gonzales at retiradong heneral at ngayon ay tumatakbong kongresista sa partylist na Bantay Jovito Palparan Jr. na huwag ibobota ng naturang mga partylist dahil karamihan sa lider nito ay kasapi ng CPP (Communist Party of the Philippines) at ang kanilang pondo ay ginagamit sa operasyon ng NPA (New People’s Army), ang sandatahang lakas ng CPP.

Nagsampa na ng kaukulang reklamo sa Comelec en banc at Korte Suprema ang limang partylist para alisin ang asterisk sa tabi ng kanilang pangalan sa opisyal na listahan ng mga kumakandidatong partido at mga opisyal ngayong eleksiyon.

Did you like what you just read? Subscribe to Davao Today via RSS or via email.

Leave a Comment

You must be logged in to post a comment.