FULL TEXT | ACT Teachers Representative Antonio L. Tinio’s explanation of vote against Martial Law extension
Wala pong batayan na ipinaliwanag ang mga resource persons ng Malacañan para sa extension ng martial law. Binanggit po kanina ng sponsor at ng kagalang-galang na Majority Leader na may Supreme Court decision na nag-uphold sa pagdedeklara ng martial law. Pero nais ko lamang po ilinaw na ang desisyon na iyon ay nag-aapply sa orihinal na deklarasyon ng martial law at iba na po ang sitwasyon ngayong pinag-uusapan na natin ang extension.
