By JOHN RIZLE SALIGUMBA
Davao Today

Zamboanga City – There is yet no ceasefire in place, consistent with what President Benigno Aquino III said yesterday that since Day One, the government is bent on launching military operations.

But he clarified later that the primary objective of the military operations is the “unnecessary loss of lives.”

How to prevent further losses, he did not elaborate during his troop visit at the Philippine Army’s Western Mindanao Command yesterday where he dished out to soldiers 3,000 cell cards, candies, and financial support.

As of last night, the fighting already claimed 22 lives, wounded 52 and displaced over 20,000 families.

“Yung ginagawa natin ngayon may military operations na from day one. Papasok pa lang sila, may naval patrols na; nagkaroon na ng sagupaan, kinontian na natin dito sa mga barangay na tinutukoy, apat na barangay, (We are doing military operations from day one. When they entered here, there were naval patrols already; and there was an exchange of gunfire, we contained them in the four barangays we mentioned.)” he said.

But Aquino assured that containment of MNLF forces is handled by state forces that have become “overwhelming” from a mere “sufficient” in number and equipment. “Kung ano’ng plano talaga nila en masse, or two hundred or so, pupunta sa City Hall, magtatayo ng bandila, hindi sila naka-penetrate, ah, sa heart of Zamboanga, kung tutuusin (What they planned en masse, or two hundred or so, they went to City Hall, to hoist the flag, they did not penetrate at the heart of Zamboanga),” he said.

The President said that he will not set any deadline for the resolution of the situation but will act basing on “decision points.”

“Ah, deadline, bakit naman tayo mag-iiwan ng deadline? Pero meron tayong decision point. Kunwari may sinaktan sa mga hostages, kunyari nagsunog nitong mga barangay kung nasaan sila, and other lines nga that they should not cross, eh may instructions sa atin ang security forces on what to do, (Deadline, why do we have to set dealines? But we have decision point. Like if they harm hostages, or they burned these barangays where they are now, and other lines that they should not cross) in the eventuality of certain instances that’s happening,” he said.

At about 3pm yesterday, amidst heavy fire in Sta. Catalina, state forces attempted several times to enter the rebel hold. Accompanied by APCs, aided by snipers, hundreds of troops stormed the area but were allegedly stopped by IEDs placed inside backpacks laden in the way of the APCs.

At 4:30 pm, a rocket, allegedly a mortar round, hit a tank in Lustre street, the entrance to barangay Catalina. The media and other ground troops backed away only to witness a second alleged mortar round hit several emergency responders of the Red Cross and police officers securing the area. Some 11 Red Cross personnel were injured.

With regards to negotiations, Aquino said they have been doing its job. “Tandaan na lang natin na nag-umpisa ito, ayaw tayong kausapin. Tapos nagharap ng paraang para tayo makausap. Sabihin na lang natin na it’s a revolving story (Remember at the start of this, they don’t want to talk to us. We tried to find a way so that we can talk. Let’s just say that it’s a revolving story.),” he said.

Last night, Vice President Jejomar Binay claimed that DND Sec. Voltaire Gazmin and Nur Misuari committed to a ceasefire set at 12 midnight but gunfight continues as of press time.

Mayor Beng Climaco quoted in social media said that she wants to “end it now.” A post in her Facebook page also calls on barangay officials to help defend their communities by coordinating with the army and police.

Meanwhile, President Aquino himself admitted he could not say for sure that the government has made full compliance of the peace agreement it has made with the MNLF in 1996.

Pag tinignan mo nga yung score card, ano ba ang pinag-usapan nung 1996? Ano ba ang nagawa ng gobyerno, hindi lang nung ating administrasyon pero nung mga nauna na. At hindi ko nga masasabi sa inyo na substantial yung mga compliance natin dun sa agreement eh. Parang ang pwede ko pang sabihin sa inyo yung parte na hindi nag-comply, may hinihintay tayo mula sa kabilang panig, (If you look at the score card, what was negotiated in 1996? What has the government done, not only our administration but also those from the past. I can’t tell you that we had substantial compliance with the agreedment. We can only say those parts that were not complied, were those that await the response from the other party),” said Aquino.

He noted that “for instance meron yung mga amendments dun sa batas na ah (there were amendments to the law), amendment to the organic act to autonomous region.”

The President said that Nur Misuari, then the Chairman of the still undivided MNLF, was yet to give his input to the changes in the law. However, he said, Misuari wants another that thing.

Below, is the transcript of the President’s press conference from the government website (http://www.gov.ph/2013/09/13/bulletin-no-2-on-the-presidents-activities-in-zamboanga-city/)

[September 13, 2013]

At around 12:40 p.m. today, President Benigno S. Aquino III held a press conference. Below is the transcript of said conference (transcript with the assistance of RTVM):

Q: Nasa ika-limang araw na po ng crisis dito sa Zamboanga City, talaga po bang mayroon talagang negosasyon ang gobyerno dito sa MNLF? At kung ang negosasyon ay hindi naging successful, magkakaroon po ba ng military operations? If Misuari fails to attend the conference in Indonesia, ano po ang magiging scenario po nito?

President Aquino: Ang head ng crisis committee, siyempre ang ating butihing mayor, assisted by Secretary Mar Roxas, and also assisted by professional negotiators. Yung question kay Misuari, hindi sa atin, kahit, pagkakaintindi ko, mukhang napasuko na ata yung meeting sa Jakarta because of his inability to attend. Hindi tumigil ang gobyerno na makipag-usap sa kanya, at sa MNLF, at palagay ko naikalat na sa inyo kahapon yung terms ng ’96 Peace Agreement, na-fulfill na ng gobyerno. Ang mga naalala ko offhand, for instance yung mga integries, mga substantial numbers of those, parang something like 7,300, 6,000 plus ang mga naging integries ngayon.

Siyempre tutulong din ang gobyerno para maibalik yung buhay mo at yung buhay ng iba pang napinsala. If negotiations fail, will military operations commence? Yung ginagawa natin ngayon may military operations na from day one. Papasok pa lang sila, may naval patrols na; nagkaroon na ng sagupaan, kinontian na natin dito sa mga barangay na tinutukoy, apat na barangay. Hindi sila pinapayagan na makakalat pa ng lagim sa ibang lugar. So matagal na yung military operations. Ano ba ang prime objective? Siguraduhin na walang unnecessary loss of blood. Yung the preservation of life is the paramount mission. So hindi ko naman sa inyo puwedeng sabihin lahat ng detalye ng kung ano’ng gagawin ng ating security forces dahil para na ring binigyan ko ng script yung kalaban, at gagawa naman yung kalaban ng sarili nilang script na para masira yung ating mga plano. So, siguro naman hindi papayag na andito ko kung hindi talaga contained ang sitwasyon na ito. So ulitin ko lang, yung forces natin, sufficient na nag-umpisa ito, e ngayon talaga overwhelming. Not only in terms of numbers pero pati na rin sa equipment. So humihingi ako ng paumanhin sa mga kababayan natin sa Zamboanga City, hindi natin ito puwedeng idaan, di ba? Naiinip na, nawalan ng pasensya, nag-init ang ulo. Kailangan huminahon para nga ma-achieve natin yun para nga hindi dumami yung mawalan ng buhay o masugatan dito sa kasalukuyang kaganapang ito.

Q: Bakit po tayo humantong sa ganitong sitwasyon?

President Aquino: Well, sinabi ko naman sa inyo nung umpisa meron talagang mga grupo na ayaw, nung parang pausad na pausad nating Comprehensive Framework agreement with the MILF amongst other group. Pag tinignan mo nga yung score card, ano ba ang pinag-usapan nung 1996? Ano ba ang nagawa ng gobyerno, hindi lang nung ating administrasyon pero nung mga nauna na. At hindi ko nga masasabi sa inyo na substantial yung mga compliance natin dun sa agreement eh. Parang ang pwede ko pang sabihin sa inyo yung parte na hindi nag-comply, may hinihintay tayo mula sa kabilang panig. For instance meron yung mga amendments dun sa batas na ah, amendment to the organic act to autonomous region. Ang nagpahinto noon, pagkaintindi ko, si Misuari mismo. Kaya kailangan ng pag-amyenda nung batas. May hinihintay na inputs sa kanya, ayaw niyang ituloy. Di ko masasabing tama yung pinarating sa akin, medyo matagal na, na kung saan ang gagawing OIC, na bago si Governor Hatawad, ay wala tayong kaguluhan. So ang tanong ko, para ba makontento kayo, kailangan ba ikaw ang magiging hepe nung magiging autonomous region. At parang meron pang linya na sinasabing, dati OIC, ibig-sabihin walang eleksyon. Nasa demokrasya tayo, kailangan mo nung mandato nung iyong sasakupan or pangungunahan. Hindi pwedeng ibigay sa’yo iyon. Bawal sa Saligang Batas iyon. Bawal sa mga batas natin. Bakit tayo humantong dito? Yung kahapon sa Basilan, sino ang tumulong? Yung ASG at yung BIFF. Lahat ng grupong ito tila, yung ASG matagal na naming, mukhang wala na tayong kapag-a pag-asa sa kanilang tumino. Yung ibang grupo, na hindi mo naman pwedeng sabihing marami, ay talagang desperado na, na talagang patungo na tayo sa katahimikan, eh gumagawa ng kaguluhan, mag-away-away tayo at lumayo doon sa kaguluhang pinapakinabangan nila.

Q: Misuari continued to disown the action like Malik…

President Aquino: Puwede bang mag-comment muna ako doon? May narinig ba tayong nagsabing nakiusap siya kay Malik na tumigil na? Ako rin wala akong narinig eh. Dapat pag-isipan natin iyon eh.

Q: So, any decisive action on the ground, or are we going to make an ultimatum? Second is, what will be the effects of this on the ongoing peace talks with the MILF? Will there be cases filed against Misuari?

President Aquino: Sagutin ko muna yung last part of the question. Iniimbestigahan lahat ng situations ni Misuari and others. Medyo matagal-tagal na. I think from the start of the crisis, inatasan natin si Secretary of Justice Leila de Lima na tignan kung ano ang actual, o may pruweba tayo ng kung ano ang pinaggagawa nila. Kahapon nireport niya rin sa akin yung mga kaso dati ni Misuari ay naibasura dahil sa insufficiency of evidence. So obviously, ayaw nating ulitin yung sitwasyon na magkakaso ka, kulang yung ebidensya, nadi-dismiss lang. Ah, magkakaroon ba ng decisive action? Ahm, di ko alam, the actions have been very decisive from the start. Kung ano’ng plano talaga nila in mass, or two hundred or so, pupunta sa city hall, magtatayo ng bandila, hindi sila naka-penetrate, ah, sa heart of Zamboanga, kung tutuusin. Nagwatak-watak ang puwersa nila. Ready ang ating security sector, both our Armed Forces and the PNP. Ngayon, yung, siguro, pinipilit ko ring tignan ang lahat ng Pilipino. Baka may naliligaw. Hindi pa ako desperado na sabihing hindi na sila puwedeng maibalik sa tamang daan o sa tuwid na daan. Pero may limitasyon din yan. Yung dumagdag yung panganib sa mga inosente, may mga linyang hindi dapat tawirin, pag tinawid mo eh mao-obliga tayong ipakita ang lakas ng estado, or gamitin di lang ipakita ang lakas ng estado.

Nag-condemn na yung MILF if I’m not mistaken. Nag-condemn din yung ibang functions ng MNLF. Nagkaroon ng reiteration na tuloy yung ating negotiation doon sa annexes, that being held in Kuala Lumpur even as we speak. Umalis sila, yung ating negotiation panel, kung hindi ako nagkakamali, nung Friday. Last week, so ongoing yung kanilang mga diyalogo, on the power-sharing and the normalization annexes. So this has no effect in the sense na yung nahinto. If there’s an effect, baka lalong mapapabilis yung proseso na maco-conclude yung mga annexes para magkaroon na nga tayo ng mas maliwang na direksyon tungo doon sa mas maliwanag na mekanismo upang magkaroon tayo ng ganap na kapayapaan dito sa Mindanao.

Q: May takot po iyong ilan sa kababayan natin sa karatig-lugar. Sa Basilan sumiklab na po yung kaguluhan. Paano po natin maco-contain o para hindi na kumalat pa?

President Aquino: Siguro yung pinaka-pruweba e yung sinubukan nila sa Lamitan. Nakahanda yung pwersa natin na itaboy sila. Sumusubok ata ulit ngayon. Lalo na kahapon. Nakahanda naman yung pwersa nating inatake nila kahapon. From the start na inutusan natin yung ating kasundaluhan, through the Chief-of-Staff, at ang ating kapulisan through the director general, plus the respective secretaries na tinitignan nating baka magkaroon ng sympathetic attacks, magkaroon ng diversionary attacks, opportunistic attacks, dapat paghandaan ito. So may reiteration na yung intel units natin should fine tune their information to be able to pinpoint where the possibilities of the attacks and threat groups may happen. Mahirap naming sabihin sa inyo na there are several times na we had the same number of police and soldiers that we had in EDSA, which was 1986. The population then was 50 million. Our population now is about 95 million. So pag sinabing number hindi proportion huh? Exact 250,000 noon, 250,000 ngayon. So napaka-importante iyong security sectors ay nasa tamang lugar, nasa tamang panahon, para mahinto nga lahat ng ito. Ngayon, sa lawak ng Pilipinas meron bang makaka-tsamba na paisa-isa, kunwari bomber, hindi naman tumitigil yung paghahabol sa kanila, pero ayaw ko namang mangako sa inyo na absolutely na walang makakalusot. Pero palagay ko ha, imbes na magsasabi tayo na kung makakaya ba, eh pinakita na nga kahapon, kinaya na eh. Sumubok sa Basilan, nahinto, naitaboy, tapos bumalik raw ngayon, kanina, ongoing ang firefight, di pa rin na obtain yung objective nila. And if they try elsewhere, I’m confident that our forces will be ready to meet them head on and to prevent anymore incident. Ulitin ko lang, dapat nating i-expect na iyong mga, katulad ng Abu Sayyaf, ewan ko kung pareho imahe niyo sa akin, pero parang naging bandidong grupo na lang. Pag nagsama-sama na yung buong komunidad, natitigil niyo na yung pagiging bandido ninyo. Tapos na yung maliligayang araw nila. So desperado sila na huwag magkaroon ng katahimikan. Desperado silang wag tayong magkaugnayan at huwag maging isang buong bansa dahil tapos na ang maliligayang araw nila. So ang tanong dito, eto ba ang panahon na dapat tayong magkanya-kanya, o kaya dito dapat tayo magpakita ng, kumbaga nasa finish line na, lalo tayong magtulungan para mapabilis yung proseso ng pagkamit ng kapayapaan?

Q: Si Father, yung pinakawalan po, nakausap niyo po ba? Ano po iyong kanyang mensahe?

President Aquino: Nakausap? Palagay ko naman dapat iwan muna natin sa intel yung mga sinabi niya. At sasabihin, ano’ng sinabi, ano’ng reaksyon niyo? Eh para naman nating inaabisuhan si Malik et. al, na eto ang reaksyon namin. Hindi natin binibigyan ang intel ng kalaban. Ah, deadline, bakit naman tayo mag-iiwan ng deadline? Pero meron tayong decision point. Kunwari may sinaktan sa mga hostages, kunyari nagsunog nitong mga barangay kung nasaan sila, and other lines nga that they should not cross, eh may instructions sa atin ang security forces on what to do, in the eventuality of certain instances that’s happening.

Q: Kagabi natuwa po kami na 80 MNLF hostages ang naipasuko na, eh ngayon po ba nakapananghali na yung mga na-hostage?

President Aquino: Mali ata yung report, wala pang sumuko, pero may naaresto, initially meron na ring mga naitaboy na rin, dun sa isang barangay. Tapos etong mga natitira nalang mga problema natin, actually about, estimated, parang mga 200 or so…

Q: Yung naaresto po?

President Aquino: Hindi yung natitira.

Q: Yung sa mga natitira po ba eh kasama na yung 80?

President Aquino: Wala.

Q: Wala po talagang walumpu?

President Aquino: Wala.

Q: Eh kamusta na po yung negotiation Mr. President? Meron po ba kayong puwedeng sabihin sa publiko?

President Aquino: Tandaan na lang natin na nag-umpisa ito, ayaw tayong kausapin. Tapos nagharap ng paraang para tayo makausap. Sabihin na lang natin na it’s a revolving story. Yung, actually kanina doon sa meeting namin, pinagtatanong ko. At siguro dapat aware tayo dito, klaro ba ang intention ng grupong ito? Alam ba nila kung ano’ng pakay nila? Eto ba winiwido-wido nila? Pag winido-wido nila at di maliwanag yung objectives, sasakay din tayo dun sa hindi nila alam na plano, ano’ng mangyayari? So parang dapat conscious tayo, at medyo lumalapit na ako dun sa hindi dapat nating pag-usapan. Yung mga operational matters ang hindi dapat natin pag-usapan dito. (John Rizle L. Saligumba, davaotoday.com)

, , , , ,
comments powered by Disqus