PRIVILEGE SPEECH: Support the women’s cry for genuine change, social justice and peace.

Mar. 06, 2017


* Privilege speech delivered by Gabriela Women’s Partylist Rep. Arlene Brosas during the All-Women Session at the House of Representatives on March 6, 2017

I rise today on a question of personal and collective privilege as women all over the world rise, claim their rightful place and uphold the tradition of militant struggle and victories that make March 8, International Women’s Day.

Allow me then to take this opportunity to give this august chamber a glimpse of the deteriorating plight of Filipino women.

One of four Filipinos are considered poor. Nine of ten Filipino farmer families do not till their own land and are subjected to steep land rents, unfair agricultural trading prices and usury. Almost three million Filipinos are unemployed. Those statistically considered as employed are mostly contractuals with slave-level wages and hazardous work conditions. The fire that left 5 workers dead and more than 1,3000 still unaccpounted for at the HTI factory in Cavite more than underscores this fact. Many have been forced to leave their families to risk their lives in jobs overseas.

It is from among these ranks of the poorest and marginalized, the Filipino workers and peasants that we find the most vulnerable women and their children. From the ranks of Filipino workers and peasants, indigenous peoples and migrant workers that we find the women and children who doubly bear the burden of poverty and are most vulnerable to abuse and gender violence.

Mga kapwa ko kinatawan, hindi natin maihihiwalay ang kalagayan ng kababaihang Pilipino sa kalagayan ng kabuuan ng mga mamamayang pinananatiling hikahos at pinagsasamantalahan sa patuloy na pananalasa ng mga patakarang neo-liberal sa ating bayan, katulad ng pribatisasyon, liberalisasyon at deregulasyon.

Kinakaharap ng mga kababaihang manggagawa ang iba’t ibang iskema ng pleksibilisasyon sa paggawa at kontraktwalisasyon. Pito sa bawat sampung manggagawang kababaihan na matatagpuan sa service industry bilang mga salesladies o call center agents ay mga kontraktwal.

Hinding hindi pa rin nakasasapat ang minimum na sahod para sa mga batayang pangagailangan ng pamilya lalupa’t tuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng bilihin, mga bayaring tubig at kuryente at maging pamasahe. Sa katunayan ang minimum na sahod sa NCR na siyang pinakamataas na sa buong bansa ay 60% lamang ng famil;y living wage na P1088.

Patuloy rin ang pagtaas ng halaga ng serbisyong kalusugan, edukasyon at pabahay. Negosyo na kung ituring at pinagkikitaan ng malalaking dayuhang interes ang mga ito kaya’t mistulang ginigisa sa sariling mantika ang mga maralitang naghahangad ng pabahay.

Itinulak ng kalagayang ito ang maraming manggagawa na lumabas ng bansa at makipagsapalaran kaya’t ngayon tinatayang anim sa bawat sampung migranteng lumalabas ng bansa ay pawang mga kababaihan. Kabilang sa mga nakipagsapalaran ang mga tulad ni Mary Jane Veloso at ni Jennifer Dalquez na nahatulang maparuhasan ng kamatayan sa Indonesia at sa United Arab Emirates.

Hanggang sa kasalukuyan ang mga kababaihang magsasaka, kasama ang kanilang mga anak ay itinuturing na ekstensyon lamang ng padre de pamilya sa paggampan ng gawain sa sakahan at sa makatuwid ay maliit kung hindi man wala na talagang kabayarang nakukuha sa kanilang pinagpaguran. Itinataboy sila ng malawakang kumbersyon ng mga lupaing agrikultural para makipagsapalaran bilang kasambahay o mga manggagawa sa kalunsuran.

Sa pagkakataong igiit nila ang kanilang karapatan sa lupang sinasaka o sa lupang ninuno; o sa pagkakataong sila’y tumindig laban sa pagpasok ng malalawak na plantasyon at minahang pinahihintulutan ng mga patakarang neo-liberal, sinasalubong sila ng mga bala mula sa mga paramilitar o maging mismo ng AFP.

Ganito ang kwento ng tatlong kababaihang magsasaka na pinagbabaril kasama ang dalawa pa nilang kasamahan sa Capiz habang kanilang ipinagtatanggol ang kanilang mga lupain.

Mahigit 100 ang napilitang lumikas nang pinaulanan ng bala ang isang komunidad ng mga Lumad sa Alabel, Saranggani dahil sa paratang na ang komunidad diumano’y sumusuporta sa mga miyembro ng New People’s Army. Aabot sa halos 700 ang lumikas sa Maddela, Quirino at sapilitang pinaaamin ang ilang residente’t magsasaka na sila’y miyembro ng NPA. Isang malakihang operasyon ng AFP ang naka-antala at nakapinsala rin sa kanilang kabuhayan at pag-aaral ng mga bata sa Bgy Namal, Asipulo sa Ifugao.

Sa buwan lamang ng Pebrero, mula nang magdeklara ng all-out war ang AFP aabot sa 14 nang sibilyan at aktibista ang napaslang sa mga isinasagawang operasyong militar ng AFP. Ilang araw lamang ang nakalipas mula nang tumambad sa balita ang pagpaslang sa mag-asawang Ramon at Leonela Pesadilla na kapwa sumusuporta sa paaralang Lumad sa Compostela Valley.

Sa mahigit 400 bilanggong pulitikal sa bansa, 30 ang naaresto sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, ang ilan sa kanila inaresto sa kabila ng isinasagawa pa noong mga negosasyon para sa usapang pangkapayapaan.

Madam Speaker, fellow colleagues, in behalf of the women from the poorest and marginalized sections of society let me reiterate once more our call for the resumption of peace negotiations between the National Democratic Front and the Philippine government.

Every farmer and worker killed and violated is a reason compelling enough to prod both parties to return to the negotiating table.

Just as every Filipino woman languishing in poverty is reason compelling enough for all of us in this august chamber to do what we can, as legislators, to reverse the policies of privatization, liberalization and deregulation.

Each of us must be compelled to support and pass legislation such as the Genuine Agrarian Reform Bill, the Regular Employment Bill, the Workers’ Shield Bill and the People’s Mining Bill. Every woman violated is compelling reason to support amendments to strengthen the anti-rape law and the anti-violence agaisnt women and children act.

Just as we in Gabriela Women’s Party view our stint in every Congress as an opportunity to do what we can to uplift the lives of Filipino women, we also view the negotiations between the Philippine government and the National Democratic Front as a most opportune venue to demand the reversal of neoliberal policies and the implementation of soci-economic reforms that is part of the substantive agenda being discussed in negotiations.

Ang pagsasakatuparan ng mga repormang isinusulong at pinag-uusapan sa negosasyon ay nangangahulugan hindi lamang ng pag-alwan ng kabuhayan ng nakararaming mamamyan at ng kababaihan. Ito’y nangangahulugan ng hustisyang panlipunan at ganap na kapayapaan.

Ang Pandaigdigang Araw ng Kababaihan na siya nating ginugunita ngayon ay bunga ng pakikipaglaban ng kababaihang anakpawis para sa lupa, trabaho, kabuhayan, karapatan, hustisya at kapayapaan.

Taong 1910 nang isulong sa Second International Conference sa Denmark ang pagkakaroon ng natatanging araw para sa kababaihang manggagawa. Sinundan ito ng mga malalaking pagkilos ng kababaihan sa iba’t ibang panig ng daigdig kung saan itinatala ng kababaihan ang paninindigan para sa sapat na sahod, maayos na kalagayan sa paggawaan, laban sa child labor at karapatang mag-organisa at bumoto.

Dear colleagues, it has been over a hundred years yet the dismal and dreary conditions that forced women to rise, protest and revolt then, continue to exist and have since worsened.

We, the women today are being challenged by the existing conditions of the present and the cries of our children, the citizens of the future to fight back the neoliberal attacks and the fascism that its implementation entails. We are being called upon to rise and fight back just as our foremothers did.

Let us take on this challenge to make genuine change, social justice and peace happen.

Magandang gabi at mapagpalayang araw ng kababaihan sa lahat.

comments powered by Disqus