Isang bukas na liham sa nais maging pulis
Batid kong hangad mong mapabuti ang mundo. Simula pagkabata, sa tuwing tinatanong ka kung anong gusto mong maging, palaging sagot mo ay ang manghuli ng masasamang tao. At tila dumarami nga sila, sapagkat gabi-gabi na lang, laman ng mga balita ang iba't ibang kaso ng pagnanakaw, panggagahasa, pagpatay.
