FULL TEXT | ACT Teachers Representative Antonio L. Tinio’s explanation of vote against Martial Law extension

Jul. 23, 2017

ACT Teachers Rep. Antonio L. Tinio
Explanation of vote against the extension of martial law

Mr. Speaker, I object and I would like to be given time to explain my objection.

Thank you, Mr. Speaker.

Mr. Speaker, nag-oobject po ako, tumututol sa resolusyon na aprubahan ang extension ng Martial Law sa buong Mindanao hanggang sa December 31, 2017. Ito po ang ilang argumento na nais kong ipaliwanag.

Una, wala pong batayan na ipinaliwanag ang mga resource persons ng Malacañan para sa extension ng martial law. Binanggit po kanina ng sponsor at ng kagalang-galang na Majority Leader na may Supreme Court decision na nag-uphold sa pagdedeklara ng martial law. Pero nais ko lamang po ilinaw na ang desisyon na iyon ay nag-aapply sa orihinal na deklarasyon ng martial law at iba na po ang sitwasyon ngayong pinag-uusapan na natin ang extension.

So, dalawa po ang requirements ng Constitution. Una, ang existence ng actual na rebellion. Ang sinasabi ng resource persons natin na 80 na lamang ang mga rebelde sa Marawi. Confined sila sa 1 or 2 sq. km. sa tatlong barangay sa Marawi City. Pangalawa, requirement ng Constitution, kailangan may banta sa public safety at malinaw na malinaw po na sa 99.9% ng Mindanao ay umiiral ng buo at walang kahati ang kapangyarihan ng gubyernong sibilyan o civilian government mula sa national level hanggang sa local government level. At kailangan pong panindigan ng Kongresong ito ang batayang prinsipyo ng Consti na civilian supremacy at all times. At malinaw po na nariyan ang gobyerno sa, sabi ko nga kanina, sa 99.9% ng Mindanao. Kaya po, dahil nariyan ang pambansang gubyerno ay matitiyak ang proteksyon ng kaligtasan ng publiko. Hindi po sapat ang batayan na nailatag.

Pangalawa at huling argumento ay ang humanitarian crisis na dulot ng 60 araw ng martial law. Binanggit na po natin kanina na, sa kabila ng paulit-ulit na sinasabi ng resource person na walang human rights violations sa ilalim ng Martial Law, binanggit po natin kanina na meron pong mahigit 500,000 na karamihan ay Moro, na napilitang lumikas dahil sa martial law at sa mga bomba na pinauulan ng AFP sa ngalan ng martial law. Ang mga report na nakakarating sa atin, kaya po lumobo ng mahigit kalahating milyon ang mga lumikas galing sa Marawi at karatig na bayan ay mas dahil pa po sa aerial bombardment na nagaganap.

Bilang pangwakas po, ang nais ko pong idiin dito, aral na po ng kasaysayan na hindi military ang solusyon sa mga problemang pangkasaysayan at panlipunan na bumabagabag sa Mindanao at sa buong Pilipinas. Ang kailangan po ng mga kababayan natin ay trabaho, serbisyo, hustisya sa Mindanao—hindi martial law. Kaya kailangan po natin bumoto ng NO sa panukala ng kagalang-galang na sponsor. Maraming salamat, Mr. Speaker.

Interpellation

REP. TINIO Maraming salamat Mr. Speaker. Mr. Speaker, sa sulat ng pangulo sa kongresong ito na humingi ng extension, ang pangunahing dahilan ay yun paring nagaganap na labanan sa Marawi. Nais ko pong itanong sa kagalang galang na resource person, ilan na po ba ang bilang ng mga lumalaban sa Marawi, na armed fighters sa Marawi?

SEC. LORENZANA Nung umpisa ng labanan, ang estimate namin is 200-250 lang pero lumalabas po ngayong nang malapit na matapos ang kaguluhan dun, ang number is from 650-700. Yun po ang lumalabas na exact or estimated number of fighters in Marawi

REP. TINIO Mr. Speaker, sa liham po ni pangulo, sa ulat po ni pangulo, ang nakasaad po dun, may estimated 600 fighters tapos na—neutralisa na ang 379 so more or less 221 nalamang po, hindi po ba?

SEC. LORENZANA Opo

REP. TINIO So hindi po sakto yung sinabi niyo na 600 pa kasi sa ulat ng pangulo, 221.

SEC. LORENZANA Hindi po ibig sabihin ng mag-umpisa is 600-700

REP. TINIO Okay. Tapos sa latest news reports po, ang sinasabi, nasa mga 80 na lang po ang armed fighters. Tama po ba?

SEC. LORENZANA Tama po yun. Yun po ang nakikita ng ating mga tropang lumalaban sa Marawi.

REP. TINIO So, Mr. Speaker, kung 80 na lamang po mula sa estimated 600, bakit pa humihingi pa po ng 5 buwan hanggang December 31 ang pangulo para sa extension of Martial Law? Kailangan niyo po ng 5 buwan? Ngayong nasa inyo ang buong lakas ng Armed Forces of the Philipiines para lumalaban sa 80?

SEC. LORENZANA Mr. President, Mr. Speaker, ang hiling po ng ating military is i-extend hanggang December 31 dahil kahit tapos na po dun sa Marawi eh marami pa tayong mga problema na lusungin diyan sa Central Mindanao, Basilan at saka Sulu. Kung nakikita po natin itong nangyari sa Marawi, napabayaan natin ang mga kaguluhan sa Basilan sa Jolo kasi yung ibang tropa natin dun inilipat natin sa Lanao del Sur. Yun po ang dahlilan kung bakit gusto natin mapalawig ng konti sa ganung paraan ng panahong iyan hanggang 31 December ay ma-address na natin ang problem sa buong Mindanao

REP. TINIO Ngayon kung kayo na po ang nagsabi bukod sa Marawi, gusto niyo tutukan ang Basilan, Tawi-Tawi? Tama po ba?

SEC. LORENZANA Jolo.

REP. TINIO Jolo. Sorry, at Sulu.

SEC. LORENZANA At saka Maguindanao.

REP. TINIO At Maguindanao. Kung gayon bakit po buong Mindanao pa ang nais niyong deklarahan ng Martial Law pa rin. Kasi kung Mindanao pa rin po, kayo na mismo ang nagsabi, Basilan, Jolo at Maguindanao ang mga areas na gusto niyong tutukan.

SEC. LORENZANA Kasi po yung mga areas na yan is contiguous yan. Madalas pong lumusot ang mga masasamang loob. Kung saan-saan pumunta. Pwede magpunta sa Zamboanga, magpunta sa Davao area, at saka sa Agusan. Let us not forget that there also Muslim populace in those areas.

REP. TINIO Well, dahil limitado po ang oras ko hindi ko na po ipu-pursue yung point na yun. Pupunta ako sa susunod, palagay ko mahalaga rin po yung mga yung human cost partikular yung mga biktima. Ayun po sa news reports, umaabot na sa mahigit kalahating milyon ang mga internally displaced, yung mga napalikas na residente ng Marawi at mga karatig na lugar. 527,704—tama po ba ito, ito po ba ng latest figures?

SEC. LORENZANA Yan po ang lumalabas, Mr. President. May evacuation center sa may Illigan, 25,000 po sa Illigan. Karamihan po na internally displaced people, lumilikas po sa mga bahay-bahay ng kanilang ah—

(ANTI-MARTIAL LAW PROTESTERS)

To continue my reply to the good Congressman, ang nasa evacuation centers ay 57,335. Karamihan po ng mga displaced people ay umalis po ng kanilang lugar diyan. Hindi lang po Marawi kasi yun kundi sa mga karatig bayan ng Marawi, yung mga towns. Nagpunta po sila sa mga kamag-anak nila sa Illigan, Cagayan de Oro, Davao, lahat po ng area diyan sa Mindanao. Meron na rin po sa Visayas tsaka sa Luzon. Sa kasalukuyan po ay inaatupag naman ng Department of Health, tsaka DSWD, at yung tsaka NDRMC yung kalagayan mga nasa evacuees, evacuation centers.

REP. TINIO Mr. Speaker, hindi po ba totoo na itong 500,000 mahigit na refugees na ito, pinakamataas po ito sa kasaysayan? Halimbawa po nung Zamboanga siege, a total of 327,000 po ang internal refugees so ngayon lamang po nagkaroon sa dalawang buwan sa ilalim ng Martial Law ay meron tayong mahigit kalahating milyon. Ang concern ko po, karamihan po dito ay kababayan nating Moro ‘no? Ang concern ko po, kapag pinagpatuloy pa natin hanggang katapusan ng taon, gaano karami pa po kaya? Nagbanggit kayo ng mga, iba pang area na gusto niyong tutukan: Maguindanao, Jolo at Basilan. So gaano karami pa po kaya

Mr. Speaker, hindi na po ako maghihintay ng sagot dun.

Last question na po dahil alam kong limitado ang tanong. Mahalaga po ito yung, tinanong na rin ng mga kasamahan natin sa Senado yung Martial Law powers. Ano po ba talaga ang ibig sabihin niyan? Ngayon, Mr. Speaker, nag-issue po si AFP Chief of Staff bilang Chief Implementor of Martial Law ng rules of, ang tawag nila rito ay Operational Directive for the Implementation of Martial Law, so baka pwede pong matanong si Chief Implementor General Año kaugnay nito.

Thank you po, Mr. Speaker. Do you confirm po na naglabas kayo ng Operational Directive for the implementation of Martial Law?

GENERAL AÑO Opo, naglabas kami ng Operational Directive, series of 2017 effective May 23. Ang purpose po is to destroy the local terrorist group in the area considering the Maute group, the Abu Sayaff group, and the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters collectively known as DIWM and their support structures in order to crush the rebellion and install the law and order in the whole of Mindanao within 60 days.

REP. TINIO So tama po ba na ito ang sinusunod ng mga lahat ng mga tropa ninyo kaugnay sa pagpapatupad ng Martial Law?

GENERAL AÑO Opo, yan ang aming –

REP. TINIO At kung i-eextend natin ito ay magpapatuloy pa rin ang pag-iral nito, tama po?

GENERAL AÑO Totoo po.

REP. TINIO At Mr. Speaker, mahalaga po ang dokumento kasi dito lang sa lahat ng dokumento ng gobyerno kaugnay sa Martial Law, dito lang may definition ng Martial Law at basahin ko po sa record yung definition ng Martial Law, sabi dito: “Martial Law. The imposition of the highest-ranking military officer (the President being the Commander-in-Chief) as the military governor or as the head of the government. It is usually imposed temporarily when the government or civilian authorities fail to function effectively or when either there is near-violent civil unrest or in cases of major natural disasters or during conflicts or cases of occupations, where the absence of any other civil government provides for the unstable population.” Tama po ba yung pagkakabasa ko dun sa order niyo, Mr. Speaker?

PRESIDING OFFICER That would be the last question.

GENERAL AÑO Tama po yan at ang ating pagpapatupad ay calibrated. Kung kinakailangan lang po. Sa ngayon, all of the local government executives are very cooperative. Probably because this is the psychological effect of martial Law and they have been supporting us. If there is going to be an area where the local government is supporting the rebellion then we shall imply, uh, apply that inherent power of removing that local government and appointing an appropriate person to enforce the Martial Law.

REP. TINIO Mr. Speaker, hindi po ba unconstitutional, tahasang unconstitutional po yung definition na ito na umiiral at sinusunod ngayon ng AFP at ipapatupad parin kung ma-extend ang Martial Law. Ibig ko sabihin, kahit yung sinabi lang dito na ang Martial Law ay pwedeng ipataw in case of major, natural disasters, or near violent civil unrest, Mr. Speaker, wala po sa konstitusyon yan. Ang sinasabi lang po ay martial law in case of invasion or rebellion. Wala pong sinabi about “near-violent civil unrest” or “natural disaster,” so, Mr. Speaker, gusto ko ipaliwanag ng Chief Implementor, bakit nasa operational guidelines niya ang isang tahasang unconstitutional, lumalabag po sa Konstitusyon at hindi dapat payagan.

Huling tanong ko po Mr. Speaker-

[END OF INTERPELLATION]

comments powered by Disqus