Bro. Ronald Balgado C.Ss.R of the Redemptorists Church reads a poem during the 45th anniversary commemoration of Martial Law in Roxas Avenue, Davao City on Thursday, September 21. (Medel V. Hernani/davaotoday.com)

*The poem “Maghanda ka Juan” is written by Bro. Ronald Balgado C.Ss.R of the Redemptorists Church. He read the poem during the 45th anniversary commemoration of Martial Law in Roxas Avenue, Davao City on September 21, 2017

Maghanda ka na Juan
May malaking delubyong parating
Susuyurin ang bawat eskinita
ng mga taong nakamaskara
Ang mga MAKAPILI, nagtatago sa kasinungalingan
hiyang-hiya sa kanilang katrayduran
Siyam na daang milyon sa Tokhang

Maghanda ka na Juan
Wala na ang kalibre ng katotohanan
Magpakasagad sa kamangmangan
Hindi na mahalaga ang iyong tinig
Sila lang ang tama
Fake news ka kung hindi ka aayon
Isang bilyon sa ahensyang pulpol

Maghanda ka Juan
Karapatan mo ay igagapos
Katwiran ay kanila lamang
Huwag magtaka kung ikaw ay bumulagta
Ibenenta na ang iyong tagapangalaga
Isang libo sa ahensya na bantay-karapatan mo

Maghanda ka Juan
Kung ikaw ay katutubo
Pasensya na, rally pa more kasi kayo
Sa bukirin, buhay ay kikitilin
Lalapad na ang mga kalsada
Minahan ay parating na
Isang libo para sa katutubong mamamayan

Maghanda ka Juan May delubyong parating
Lakas mo ay ipunin
Ihanda ang mga sulo
at hanay ay paigtingin

Wala tayong halaga…
Wala tayong halaga…
Walang halagang katumbas ang ating paninindigan
Walang halagang katumbas ang lumaban sa katarungan
Walang halagang katumbas ang tumayo para sa katotohanan

comments powered by Disqus