Many will still remember the last few months of 2015, when the national and international limelight focused on the Lumad of Mindanao and their Lakbayan to Manila after more than a year of harassments, evacuations, and killings (such as the Lianga Massacre) perpetrated by military and paramilitary agents. “Lumad” and “bakwit” became household terms, public concern was at its peak, and even heretofore, moderate and conservative personalities signified their support for the Lumad.

The issues they faced and possible solutions to them were also vigorously discussed on social media and other far-reaching platforms. One of the rallying cries that emerged at this time was to “leave the Lumad alone,” as argued in an article that was widely shared at the height of the protest actions. Many people I knew, with good intentions and with their sympathies in the right place, shared that article. I didn’t.

Reading this article again one must be fair and say that the “development aggression” framework in analyzing indigenous issues in Mindanao and elsewhere in the Philippines remains highly relevant. But there are many places in Mindanao (and again, elsewhere in the Philippines) that are heavily militarized even without the imminent threat of large mining, logging, or plantation firms. I have already written elsewhere how the State can just as equally lash out at communities that assertively exercise their right to self-determination – even those with little profitable and extractable natural resources – as they do towards communities that do have such resources. Strong and inspirational demonstrations of resistance against the violent and exploitative status quo can just as easily earn the ire of the sitting government even without a profit motive: just look at what they recently did to Sr. Patricia Fox and Prof. Gill Boehringer, and other individual and collective critics of the government.

But there is something even more discomfiting with an absolutist call to leave the Lumad alone. For one thing, I am unsure as to where to draw the line between this call, and the ominously similar reasoning invoked by a military-backed Lumad leader (Read: Thoughts During “Dialogue”) that each tribe should keep to its own, and that they should have nothing to do with each other. For another, it assumes an even playing field for all parties involved, and that decision-making processes (including internal processes) are free of irreconcilable contradictions and interests. We know that this, sadly, does not characterize the present conditions of the Lumad, and that hegemonic ideologies (which, as it stands, is dictated by the interests of the ruling class) will eventually come a-knockin’ and be very, very difficult to repulse without a robust counter-ideology and form of organization.

What makes the call to leave the Lumad alone sound agreeable to the middle class are two things. First is that it is premised on the idea that the Lumad have nothing whatsoever to do with the civil war between the Philippine government and the belligerent state of the national democratic revolutionary movement. Others have already pointed out the historical inaccuracy of this premise. I would add that if we examine this premise, we find a paradox in how it views the Lumad. If we think that the Lumad are on equal footing with everyone else and can, in and of themselves, ably go toe-to-toe with hegemonic forces, then the view that they are only haplessly “caught in the middle of a war” becomes untenable. Reversibly, if we think that the Lumad are merely pawns ready to be manipulated, then what use would it be to leave them to their own devices given the highly uneven distribution of power in our society?

The reason I think why this view is prevalent is because it adheres to the popular notion of IPs as peace-loving people who shun violence. This is not to say that they are not, but this is to caution those who look from the outside in to be mindful of the various options that the Lumad have forged for themselves in their generations of existence that may include those that we may not expect them to have or utilize.

The following example may hopefully clarify these preceding points. We know that more than twenty years ago, the Manobo of Talaingod opted to, through force of arms they called pangayaw, resist the Alcantara and Sons logging company. This is, of course, technically illegal, and some leaders have entanglements with the law up until today. But this course of action makes sense if we consider their historical understanding, at that point, of who they are as Lumad, who or what they are opposing, under what structural conditions they are carrying out their acts, and what kind of victory is it that they envision.

This historical episode is also an early example of a Lumad group’s vigorous assertion to be left alone vis-à-vis the forces of modernity that they do not deem beneficial to them. Indeed in the next few years the Manobo in the highlands of Talaingod were able to make some headway in developing their communities, constructing their schools, and establishing relations with non-lumad entities – in short, just like any social group they accumulate knowledge, they learn to give and take, they accept certain changes while rejecting others, and pass on these lessons to their children.

But these were done not in a constraints-free environment but one in which they faced incredible odds of continued government neglect, systemic discrimination, and structural poverty. And despite their striving to build up their lives according to their own terms, more powerful external forces nevertheless still came to disrupt this process, as we saw with the massive military operations in their area that precipitated their bakwit in 2014.

The second thing that makes the call to leave the Lumad alone seem attractive is that it appears to legitimately ascribe agency to the Lumad by placing the making of decisions in their hands. On the one hand, this is something to be desired, especially for a group that has historically been denied this capacity. But on the other, agency in and of itself (as a concept and as an end-goal to be struggled for) is still dreadfully limited if we wish to accomplish more encompassing changes.

It would, for example, be interesting to see what would happen if the Lumad in question go against popular expectation and, say, freely consent to the entry of large mining firms into their domain. Oppositely, it would likewise be interesting to see what would happen if they freely consent to the presence of the New People’s Army in their area. What then?

The Lumad (indeed, all of us) make decisions and create their histories in conditions that are, in Marx’s well-known phrasing, ‘not of their own choosing.’ This should shift the way we look at the Lumad away from being mere pawns on the one side, or unbridled masters of their own agency on the other. In sociological terms it urges us to go a step further from the debate between agency and structure, and instead focus on how conscious political subjects are created – subjects who acknowledge the complex political and deeply historical causalities of social phenomena, but at the same time, like any social being, take responsibility for this unsurpassable margin of freedom vis-à-vis the “objective” conditions.

With this focus on political subjectivity we will realize that, for the Lumad and as well as for ourselves, what is at stake here isn’t whether or not we have a multiplicity of choices (which will, necessarily, include those that align with the reactionary state’s and the ruling class’), or how structural and historical contexts constrain and push us towards one choice or another. There will always be both choices and constraints. What is at stake here is how we as political subjects respond to the challenge that we need to take a side, not just for our own individual sake or the sake of the group to which we belong, but for the sake of all other groups with whom we choose to struggle in solidarity.


Walang iwanan (Huwag silang iwanang nag-iisa)

Filipino amplified translation by Prof. Myfel Joseph Paluga

Natatandaan pa ng karamihan ang huling mga buwan ng taong 2015. Nakatuon ang atensyon ng nasyunal at internasyunal na midya sa mga lumad ng Mindanao at sa kanilang Lumad Lakbayan dala ng lampas isang taong panggigipit, pagbakwit, at mga pagpatay (tulad ng Lianga Massacre) na ginawa ng mga militar at mga ahenteng paramilitar. Naging karaniwang kataga ang “lumad” at “bakwit”, tumindi ang pag-aalala ng publiko sa kanilang kalagayan, at kahit ang mga panggitna at konserbatibong mga personahe ay nagpakita ng pagkabahala’t suporta sa mga katutubong nag-bakwit.

Pinag-usapan sa social media at iba pang masasaklaw na plataporma ang kanilang mga isyu at mga posibleng solusyon dito. Ngunit isang panawagang lumitaw sa panahon ring iyon (sa Ingles, dahil madalas galing sa mga middle class) ang “leave the lumad alone” (o “hayaan ang mga lumad sa kanilang sarili”, “huwag silang pakialaman”, o di kaya, “pabayaan ang mga lumad kung ano ang gugustuhin nila”), katulad ng argumento ng isang partikular na artikulo na malawakang na-share noong kalakasan ng mga aksyong protesta. Marami sa aking mga kakilala, na may mabubuting intensyon at nasa tamang lugar ang simpatya, ang nagbahagi ng artikulong iyon. Hindi ako nakisabay rito.

Binalikan kong basahin ang artikulong ito at totoo rin naman na itong “development aggression” (“marahas at pinilit na kaunlaran”) na pananaw ay meron pa ring gamit at talas sa pagsusuri sa mga isyung lumad ng Mindanao at iba pang mga katutubo ng Pilipinas. Gayumpaman, maraming lugar sa Mindanao (at muli, sa ibang lugar sa Pilipinas) ang binubugbog pa rin ng militarisasyon kahit wala ritong banta ng malalaking pagmimina, logging, o pagpasok ng mga malalaking plantasyon. Nasulat ko na ito dati [tingnan dito] kung paano ang Estado ay pwedeng maging kasimbangis dito sa mga pamayanang gumigiit na isabuhay ang kanilang karapatan sa pagpapasya sa sarili—kahit mga pook ito na halus wala o kaunti ang makukuhang troso at minerales—kapantay doon sa mga komunidad na meron. Ang pagpapakita ng matatag at bumubuhay-pag-asang paglaban kontra sa marahas at mapagsamantalang kapangyarihan ay parehong nakakapagpasiklab ng galit ng gobyerno labas sa anumang kapitalistang motibo: balikan ang nangyari kamakailan lang kina Sr. Patricia Fox at Prof. Gill Boehringer, at iba pang indibidwal at kolektibong kritiko ng gobyerno.

Ngunit meron pang mas nakalilito dito sa matunog na panawagan na “leave the lumad alone” (hayaan/iwanan ang mga lumad). Sa isang panig, di ko alam kung paano ipag-iba ang linyang ito sa nakakapangilabot ngunit halus kamukhang rason na sambit-sambit ng mga may-basbas-militar na mga lumad (pwedeng mabalikan ang nasulat ko dito [tingnan dito]) na ‘bawat tribu ay dapat magkanya-kanya at walang pakialamanan sa isa’t isa’. At sa kabilang panig, ipinapalagay ng gayon-kasimpleng panawagan na merong isang patas na larangang gagalawan ang mga aktor nitong kaganapan: na ang mga lilikhaing desisyon (o galaw-kalooban) ng mga kikilos dito ay buong-buo at walang anumang tagos-bitukang tunggalian at nakalalamang/nanlalamang na mga pwersang mapanghimasok. Nakakalungkot ngunit alam nating hindi ganito ang kasalukuyang kalagayang lumad (at di-lumad): na anumang oras ay pwedeng mangatok sa ating pamamahay ang mga namamayaning kaisipan na nakasalikop sa ginagalawan nating larangan (na, sa totoo, ay dikta ng mga gana’t libog ng naghaharing-uri), at mahirap, napakahirap itong tanggihan kung ang isa ay di-gagap ang palabang-kaisipan, nag-iisa at walang nasisilungang organisasyon (sa wikang Manobo, salupungan o pagsasambayanan ang matandang anyo nito).

Dalawang bagay ang madaling makita bakit magaan para sa mga di-gipit (o di-gaanong nagigipit) na mga uri (ang maalamat na “middle class”) ang panawagang “leave the lumad alone” (na pwede ring isalin bilang walang-pagkabahalang “bahala-na-kayo”). Una, ipinapalagay na walang pakialam ang mga lumad sa nagaganap na tunggalian sa pagitan ng gobyerno nitong republika at ng kaaway nitong “pambansa demokratikong rebolusyunaryong kilusan” (sa katayuan nitong huli bilang isang “belligerent state”, sa teknikal na wika ng international law sa usaping civil war). May iba nang tumalakay sa pagka-walang-batayang-pangkasaysayan ng palagay na iyan. Idadagdag ko lang na kung susuriing mabuti ang ganyang palagay o pagrarason, makikita ang balintunang pananaw nito sa mga lumad. Kung iniisip na pantay ang katayuang lumad sa iba pang sektor at—mag-isa at walang anumang tulong mula sa atin—kaya nitong harapin, ngipin sa ngipin, ang mga dambuhala’t namamayaning lakas, nawawalan ng anumang sentido ang pagsasabing sila’y “natatangay at naiipit lamang” sa isang digmaang hindi nila pinili. Sa kabilang banda, kung iniisip na ang mga lumad ay abang mga bagay na madaling paglaruan, (aba!) hindi ba’t kung gayon mas lalong di-makatwirang iwanan sila at pagkaitan sa hinihinging tulong (‘iligtas ang aming paaralan!’, ‘ihinto ang militarisasyon’), lalo pa’t kapwa nasa loob tayo ng iisang lipunang matindi ang di-pagkakapantay-pantay sa hawak na kapangyarihan?

Malamang ang dahilan bakit ang linya na ‘sila’y naipit lang’ ay magaang nabibigkas ng (masaya sa kanilang pagkagitnang) ‘pang-gitnang uri’ ay dahil dumadaloy ito sa popular na ideya na ang mga ‘indigenous peoples’ o ‘IPs’ ay ‘peace-loving people’ (may lubos-lubos na pagkaakit sa kapayapaan) at umiiwas sa anumang anyo ng dahas. Hindi dito sinasabing hindi nila mahal ang payapang buhay: pinapaalala lang dito, lalo’t titig mula sa labas kadalasan ang ating katayuan, na maging mapag-isip sa lawak ng mga opsyon na pinanday ng mga lumad para sa kanilang sarili, sa mahabang pagsasaling-lahi ng kanilang pag-iral, na maaari ring sumaklaw ng mga kilos na pwede nating ikagulat o hindi natin pinaghandaang isipin na pipiliin nilang gawin.

May ilang halimbawa na sana’y makapaglinaw sa mga nabanggit na punto. Alam natin na lampas dalawampung taon na ang lumipas noong pinili ng mga Manobo ng Talaingod, sa pamamagitan ng pwersa ng armas ng tinatawag na pangayaw (marahas na katutubong digma), na labanan ang kompanyang logging ng Alcantara and Sons. Ito, mangyari pa, ay illegal sa wikang teknikal ng estado, at may mga namuno sa paglabang ito na hinahabol pa rin ng batas hanggang ngayon. Ngunit ang pagkilos na ito ay talagang makahulugan, madaling unawain, kung ipapaloob sa kanilang pangkasaysayang pang-unawa, sa yugtong iyon, kung sino sila bilang lumad, sino o ano itong kanilang nilalabanan, sa loob ng anong pulidong kaayusan nahuhulma ang gayong pagkilos, at anong anyo ng tagumpay ang kanila noong pinapanaginip.

Ang makasaysayang kaganapang ito ay maagang halimbawa rin ng isang palabang pahayag ng isang grupo ng lumad na sila’y hayaang humiwalay, magsarili, sa harap nitong pwersa ng pagbabago—ng “modernidad” ng kaayusang IFMA (Integrated Forest Management Agreement)—na sa tingin nila ay hindi kapaki-pakinabang. Sa katunayan, sa sumunod na mga taon, kakayanin ng mga Manobo sa kabundukan ng Talaingod na paunlarin, kahit papaano, ang kanilang mga komunidad, itayo ang kanilang mga paaralan, at patatagin ang ugnayan nila sa mga di-lumad na kababayan—sa maikling salita, tulad ng anumang grupo ng lipunan, nakapagpatalas sila ng kaalaman, natutong magbigay at tumanggap, at tinanggap nila ang ilang mga pagbabago habang tinanggihan ang iba, at ipinasa nila ang mga aral na ito sa kanilang mga anak.

Ngunit ang mga ito ay hindi nila ginawa sa isang makinis, di-gipit na kapaligiran kundi sa isang larangan kung saan laging bahagi ng pang-araw-araw na katotohanan ang pagharap sa di-kapani-paniwalang mga desbentaha: tuloy-tuloy na kapabayaan ng gobyerno, sistematikong diskriminasyon, at istruktural na kahirapan. At sa kabila ng kanilang pagsisikap na maitayo ang kanilang buhay ayon sa kanilang sariling pasya, dumating ang mas malalakas na pwersang panlabas upang tangkaing sirain ito, tulad ng nakita natin sa napakalaking operasyong militar sa kanilang lugar na nag-udyok sa kanila na mag-bakwit noong 2014.

At ang pangalawang punto na tiyak nagpabango sa panawagang “leave the lumad alone” ay malamang ito ring talagang makatwirang pagkilala sa kanilang kapasidad na pumili ng sariling landasin at kaya, kahit man lang sa pabalat na anyo, ay naipanawagan pa rin na sila’y bigyang laya at ibigay ang pag-desisyon sa kanilang sariling mga kamay. Sa isang banda, ito’y tunay at kaaya-ayang panawagan, lalo pa sa isang grupo na matagal nang pinagkaitan ng ganitong pagpapasya at kapasidad ng mga dating kolonyal na mananakop at ng mga nagmana sa papel nito sa kasalukuyan. Ngunit sa kabilang banda, itong kapasidad na magpasya para sa sarili (itong tatawaging “agency” ng kasalukuyang akademikong wika), itong kapasidad na totoong isabuhay ang pagiging malaya, buhos-loob na hawakan ang sariling pagmamalay—maging tao na may “agentive powers” (kapwa bilang konsepto at bilang tunguhin na pinapaghirapang ipaglaban)—ay nananatili hanggang ngayon sa kanyang nakakatakot na katayuan ng pagkadahop kung isusukat sa mas maginhawang pagbabago na maaari pa nating likhain.

Ano kaya, halimbawa, ang mangyayari kung itong pinag-uusapang mga lumad ay kokontra sa karaniwan nating mga pag-aakala at, sabihin natin, bukas na yayakap sa pagpasok ng malalaking kompanya ng mina sa kanilang lupang ninuno? Sa kabilang banda, ano rin kaya ang mangyayari kung malaya nilang kakaibiganin ang mga New People’s Army? Paano na ngayon?

Ang mga lumad (sa totoo, tayo lahat) ay gumagawa ng mga desisyon at lumilikha ng mga tunguhi’t kasaysayan sa loob ng larangan na, sa madalas marinig na linyang hiram kay Marx, ‘hindi kusang pinili’ (sa orihinal na Aleman, nicht aus freien Stücken, sa literal, ‘hindi (mula) sa malayang mga bahagi’) (1). Dapat kung gayon na ibaling natin ang titig palayo dito sa, sa isang banda, di-gaanong pinag-isipang larawan ng pagiging isang abang “pawn” (sa larong chess, ang pinaka-“mahinang” piyesa, kahit pinakamarami, na simpleng tinutulak lang ng nag-iisip na mga manalaro nito—biro lang: bakit kaya hindi nalang “horse” ang pinili nilang metapora dito, gayong karaniwang hilig ng maraming lumad ang kabayo?), at sa kabilang banda, sa kabaliktarang larawan ng pagiging ‘isang walang-sinasantong hari’ na libreng gawin anumang layaw ang pasyahin. Sa akademikong termino, hinihikayat tayo kung gayon na itabi na (muna) itong debate tungkol sa “agency/structure” (galaw-panloob kontra istrukturang panlipunan o “panlabas”). Mas pagkaabalahan natin ang tanong kung paano napapanday ang mulat-sarili at matatag na mga paninindigang pulitikal—sa bokabularyong kanluran, paano mapalitaw ang mga totoong “subjects” (2) (dahil ang usapin ng malaya, nagsasariling paninindigan ay may kaugnayan sa magkakabit-kategoryang subject/object sa nakabihasnang istilo ng pananalitang Indo-Europeo, Aleman o Ingles o iba pa). Sa wikang malapit sa atin, paano mapalitaw ang “taong may tagos-loob, kumukusang-sarili na paninindigan”: na kumikilala sa masalimuot na pangkapangyarihan at pangkasaysayang mga ugat (kumukilala sa malalim na pulitikal at historikal na mga kadahilanan) ng kasalukuyang kaayusang panlipunan, ngunit, bilang tapat na taong-bayan, ay sabay ring iniingatan at inaaruga itong di-matarok-tarok at di-matalo-talong kapasyahan na totohanin ang pagiging malaya, hawak ang sariling-isip at pagkukusang-loob, sa harap ng anumang mapang-gipit, nang-iipit, tigas-batong kairalan.

Sa pagtitig dito sa tapat-loob, malayang paninindigan—tanong tungkol sa pagiging “subject”—nauunawaan natin na, para sa mga lumad at para rin sa atin, ang nakataya ay hindi kung meron o walang samo’t saring mga tindig at mga kagustuhan (na, lagi’t lagi, sasaklaw rin ng mga paninindigang kakabit sa panig ng mapaniil na estado at naghaharing-uri), o kung paano ang mga nakatayo at namanang mga kaayusan ay pumipiga o tumutulak upang kumiling tayo dito sa isa o doon sa ibang pag-galaw. Laging merong sabay na pagpipili at pagpipilit. Mas nakataya ang tanong kung paano tayo—bilang “political subjects”, mulat-sariling naninindigan, di-nagtatago sa anumang guni-guning kabuuan, bilang payak na tao—paano tayo tutugon sa hamon na kailangang pumanig, hindi lang para sa sariling kabutihan o sa kabutihan ng kinapapaloobang grupo o uri, kundi sa kapakanan ng iba pang uri’t sektor na bukas nating pinili upang doon gawin ang pakikitunggaling nakikiisa. (davaotoday.com)


Endnotes

(1) Ang buong linya ay mula sa Der 18. Brumaire des Louis Bonaparte (1852): „Die Menschen machen ihre eigene Geschichte, aber sie machen sie nicht aus freien Stücken, nicht unter selbstgewählten; sondern unter unmittelbar vorgefundenen, gegebenen und überlieferten Umständen.“ Sa saling Ingles noong 1937 ni Saul K. Padover: “Men make their own history, but they do not make it as they please; they do not make it under self-selected circumstances, but under circumstances existing already, given and transmitted from the past.”
(2) Ang konsepto ng “subject” na mas interesanteng itabi sa mga puntong tinutukoy sa sanaysay na ito ay makikita sa mga akda nina Badiou at Žižek. Para sa akdang Badiou, tingnan ang: Badiou: A Subject to Truth ni Peter Hallward (Minneapolis: University of Minnesota Press, 2003), at ng klasikong Theory of the Subject (translated by Bruno Bosteels; New York: Continuum, 2009 [1982]) mismo ni Badiou. Sa akdang Žižek, tingnan ang: The Ticklish Subject, The Absent Centre of Political Ontology (London: Verso, 1999).
comments powered by Disqus