A symbolic performance act opened the Kumperensiya ng mga Disaster Survivors at 8:00 AM in Cawachsi Conference Hall in Tacloban City last November 5, two days short of the November 8 anniversary of the tragedy caused by Yolanda Supertyphoon. The lights in the conference hall was put off. I came up the stage in front of an audience of 250 disaster survivors coming from diferent places in Mindanao and the Visayas.
I was carrying a copy of what I will deliver—a poem titled DALUYONG (People Surge). There was a vigil candle on a stand beside the lectern. I lighted the candle and very soon delivered the poem under its flickering flame.
DALUYONG
May ngitngit na ibinulong ng hangin
Sa puso ng payapang karagatan,
Ginambala ang kalagitnaan
Ng Dakilang Laot, at nagbinhi
Ng mumunting lilo na buong bilis
Na umikot nang umikot nang umikot…
Hanggang nilikha nito’y dambuhalang alon
Na dumaluyong nang buong lakas at bangis
Sa mga hangganan ng kayumangging lupa.
Maririnig ang ugong ng nagngangalit,
Umaalimpuyo’t dumadaluyong na Alon
Mula sa laot—hinampas ang mga pampang,
Hinalibas ang mga buhangin sa pasigan.
Nilulunod ang mga hibik at hiyaw,
Mga daing, panambita’t sigaw mula
Sa mga siwang, mga lungga’t mga bibig ng lupa,
Dumaloy sa lahat ng sulok ng puso’t kaluluwa,
Ngayo’y umuukilkil sa budhi at damdamin ng lahi
Rumaragasang ilog ng bumabangong madla.
Sa lawak ng mga lupain at lawa ng bayang api
Pumipintig, pumipintig, pumipintig ang pangarap
Kay laon nang nababaon sa dibdib ng pighati,
Kay tagal nang nauumid sa delubyong gabi,
Naghahangad ng katambal na tinig ng pag-alsa—
Natatanging himig ng nagpupumiglas na mga kuldas
Ng arpa! Ibinubulalas ay mga butil ng musikang himagsik!
Ang bawat piraso’y ramdam bilang tilamsik
Ng mithiing paglaya ng bayan na nakapugad
Sa sanlaksang taon ng pagkaalipi’t pagdurusa.
Masdan ang umaalon na katipunan ng taumbayan!
Hinahabol ay mga hibla ng sinag ng bukang-liwayway,
Bitbit ang libulibong sulo sa loob ng kanilang mga puso,
Sabay-sabay na inaawit ang minimithing kalayaan!
Hinihiyaw ang hangad na katarungan! Matinis
Na nananambitan na mai-ahon mula sa kasasadlakan!
Ngunit sa paisa-isang pagdinig ng kanilang mga salaysay
Sa ilalim ng butas-butas na mga bubong…sa pagitan ng
Natutuklap na mga dingding ng panandaliang pabahay,
Nasasalat ang tindi ng dalamhati ng bawat taumbahay.
Ang wika ng isang Marissa ay salamin ng suliraning
Naaninag sa mga butil ng luhang nakadungaw sa mata:
Sindak sa nakaambang demolisyong isasagawa ng gobyerno.
Balak yatang itago ng Meyor sa mga mata ng Santo Papa
Na nakatakdang bibisita sa Pilipinas sa darating na Enero
Ang kahirapang bunga ng kapalpakan mismo ng estado.
Mga kataga rin namang umigkas sa bibig ni Jennelyn,
Isang Nanay na taga Baras, “Maupay unta kun may ada
Hanapbuhay sa paglilipatan sa amin. Aba’y makuri gad
Na waray trabaho, waray kabuhayan. Hindi naman natupad
Pangako ng pulitiko! Sana’ sundan agad ng gawa ang salita.”
Ang kwento naman ng isang drayber ng traysikad: “Mahirap
Talaga ang buhay ng dukha! Kami lagi ang nasasalanta. . .”
Kaya’t sa paglipas ng santaong pagkalubog sa mga alaala
Ng delubyong tumangay ng kanilang buhay at silay ng umaga
Ang mumunting pag-asang kumikislap sa hamog at ambon
Sinasahod nang buong lugod sa mga bukas nilang palad —
Sabay dalangin na sa pagkuyom nito upang maging kamao
Ng pakikibaka, at sa ilalim ng diwang nananalig sa matatag
Na pagkakaisa, may mga hadlang man at sagabal sa landas
Tungo sa pinto ng umaga, buo ang kanilang tiwalang sisikat
Nang buong ningning ang araw sa isang maaliwalas na bukas. . .
To provide momentum to the solemnity of the act, I supplemented the poem reading with a rendition of the following songs:
PAGLALAMAY
Hindi ako makatulog
Sa tuktok ng gabi
Nagdurugo ang pangarap
Sa matinik na larangan
Hindi rin ako makatulog
Sa pisngi ng bundok
Maingay ang mga sapa
Ng gubat niluluha
Hindi rin naman makatulog
Sa may dibdib ng lupa
May lindol na likha
Ng puso ng madla
Lalong hindi sa pasigan
Ng mga alon kandungan
Umuugong na dagat
Humihiyaw na bayan
Ngunit di ko alintana
Ang magpuyat sa magdamag
Hindi ako nag-iisang
Naghahabol sa liwanag
BUKANGLIWAYWAY
Masdan ang araw sa takipsilim
May kulay ng dugo
Ang gumagapang na dilim
Masdan ang bayan sa kanyang gabi
May bahid ng dugo
Ang lupang kayumanggi
Kay haba ng gabing
Ating susuungin
Kay haba ng landas
Na ating tatahakin
Sa dulo ng pangarap
May langit na bughaw
Ang mukha ng silangan
May ngiti ng liwanag
Sisikat ang araw
Singningning ng ginto
Magbubukang-liwayway
Ang bagong umaga
Darating ang pangako
Ng bagong bukas
. . .