President Gloria Macapagal-Arroyo’s Lenten Message, Heroes’ Hall, Malacanang, April 2-7, 2007
Wala nang mas hihigit pa kaysa pag-aalay ng Panginoon ng Kanyang sariling buhay matubos lamang tayo sa kasalanan.
Tayo man ay dapat ding maghandog ng sarili nating sakripisyo para sa kabutihan ng ating sambayanan at bansa, at laging magsikap na maging mapagbigay sa paglilingkod sa mga mamamayan.
Tulad ni Kristo, dapat nating pasanin ang ating krus upang mailigtas ang ating bayan mula sa kahirapan at alitan.
Alisin natin ang galit sa ating mga puso upang wakasan na ang hindi pagkakasundo at hidwaan; maliwanagan ang isipan upang matanto ang katotohanan mula sa mga bulaang pangako.
Gamitin natin ang ating pananalig upang palakasin ang ating pagkakaisa at pagmamahal sa kapwa.
Idalangin natin ang kagalingan ng lahat ng Pilipino, purihin ang kadakilaan ng Kanyang pagpapakasakit at humingi ng kapatawaran mula sa ating mga kahinaan at kasalanan.
Ang pagkamatay ni Hesus ay nagbadya ng isang bagong buhay sa sanlibutan. Sundan natin ang Kanyang mga bakas upang makita ang sinag ng isang magandang bukas sa isang bansa na tigib ng sampalataya, pagkakaisa at tibay ng loob.
Religion