Below is the case file of Gilbert Rey Cardino compiled by Karapatan:
Victim: Gilbert Rey Cardino
Regional Coordinator, BAYAN MUNA
SOCSKSARGENDS
Date: June 06, 2007
Place: Bo. 4, Koronadal City
Around 9:45 to 10:00AM, along the street ng Brgy. Sto. Nino, mga 2 kms pa bago sa sentro ng syudad ng Koronadal lugar ng pangyayari. Ang Brgy Sto Nino ay dadaanang baryo mula sa bahay ng biktima sa Brgy New Pangasinan, City of Koronadal.
Galing si Gilbert Rey Cardino o kilala sa tawag na Jing2 sa kanilang bahay mga alas 9:45 am nang siya ay umalis, ngayong araw ng June 6, 2007. Along the way, boundary ng Brgy Sto Nino at Brgy New Pangasinan, hinarang sila ng puting L-300 van na walang plaka. Ayon sa testigo na driver ng tricycle na sinasakyan ni Jing2 na si Phinney Tolentino, muntik na niyang mabundol ang L-300 van sa biglang pagharang nito sa daanan. Nagsibabaan ang 5 lalaki na halos naka-barber’s cut ang gupit o mukhang mga military. Ang isa ay nakablack long sleeve shirt na may police sa likod na nakasulat. Hinatak palabas ng tricycle si Jing2 ng apat na lalaki, dalawa sa magkabilang balikat at dalawa sa magkabilang paa. Habang ang isa, ayon sa drayber, ay lumapit sa kanya at kinuha ang susi ng kanyang tricycle. Habang sinisikap naman ng kasamang pasahero na si Neneng Numos na hawakan sa kamay si Jing2 habang hinahatak palabas ng mga di-kilalang tao. Ayon pa sa drayber, sumisigaw si jing2 ng pulis! pulis!. Walang sali-salita ang limang lalaki na isinakay si Jing2 sa van at ang direksyon ay palabas ng barangay papunta sa National Highway.
Sa pag-imbestiga ng Barangay Captain ng Brgy. New Pangasinan na si Capt. Sunga at iba pang mga kasamahan, sa aktwal na pinagdukutan, nakuha nila ang mga pahayag ni Rosseller Daguro, tricycle driver sa Brgy. New Pangasinan, nakita niya mga 6:00 ng umaga ng pumunta siya sa sentro ng syudad at bumalik siya sa baryo, nakatago sa puno ng Kamatsili o naka stand-by na ang L-300 van. Sabi rin ng tricycle driver na si Tolentino, may sumakay daw sa kanila na pasahero bago pa man ang pangyayari, ngunit nang nagkaroon na ng komosyon, nawala na itong pasaherong lalaki. Posible kasamahan ng mga dumukot, na ang layon ay ikumpirma o sumabay kay Jing2 sa pagsakay sa tricycle.
Si Gilbert Rey Cardino ang Regional Coordinator ng Bayan Muna, Desk Information Officer ng Bayan Muna South Cotabato at Staff ng South Cotabato Peoples Alliance for Nationalism and Democracy (SOCPAND). Masigasig na pumapel sa eleksyong party-list at local sa South Cotabato, numero unong tumutuligsa sa political killings, cha-cha at impeachment sa mga radio stations gaya ng RMN, Bombo Radyo, Dxki at mga pahayagan sa SOCSKSARGEN at kahit sa national. Ang South Cotabato ay kilalang oposisyon sa administrasyong Arroyo.
Ang motibong ito ay kinumpirma lamang ng mga alipures ni Gloria Macapagal-Arroyo ang pagiging duwag at desperado na sa kanyang Oplan Bantay Laya na naging sanhi ng pagkabigo sa lahat ng kanyang planung supilin ang progresibong partido ng mamamayan. ###