Below is the statement of President Gloria Macapagal-Arroyo on election day:
Pahayag ng Pangulo sa Araw ng Halalan
Sa araw na ito ay nagkaisa ang sambayanang Pilipino sa likod ng demokrasya. Ipinagmamalaki natin ang ating kasaysayan bilang malayang bansa.
Pinupuri natin ang mga botanteng nagtungo sa mga presinto upang bumoto nang walang pamimilit at ayon sa kanilang kalooban.Sangandaan din ang araw na ito para sa Pilipinas habang hinihintay natin ang paghirang ng mga nagwagi. Nagpapasalamat ako sa lahat ng kandidato, anuman ang partido o pagkiling sa pulitika, na nakibaka nang buong sigasig, patas at tapat para sa boto ng taong bayan.
May matitinding pagtutunggali sa lahat ng kampanya, subalit magmagandang-loob tayo, manalo man o matalo. Para sa kapakanan ng bansa,dapat isara ang mga kabanata ng hidwaan at pagtutungali paglabas ng hatol ng bayan, at buksan ang pinto ng pambansang pagkakaisa at pagkakapit-bisig.
Ibig kong purihin ang Commission on Elections (COMELEC) at ang mga ahensiyang itinalaga nito para sa mahusay nilang pagbabantay sa halalan. Itinatangi ko lalo na ang kabayanihan at katapatan ng ating mga guro na bantog sa panahong ito; at ang mga pulis at sundalo sa pagdepensa ng kapayapaan at kaayusan nang walang pagkiling.
All the institutions that helped the people safeguard the vote — religious, civic, professional — likewise deserve the gratitude of our nation, together with the foreign observers who came to share our passion and vigilance for democracy.
Sa panahong ito na ang maraming lugar sa mundo ay umaapoy pa rin sa pakikibaka para sa kalayaan, let us thank the Lord for giving us the gift of democracy that has found sanctuary in our generations past and present, habang patuloy nating binibilang ang ating mga biyaya sa paglago ng ekonomiya at pagtatag ng pulitika.
Magpatuloy tayo sa landas ng progreso.
Mabuhay ang Pilipinas!
****** INBOX is an archive of press releases, statements, announcements, letters to the editors, and manifestos sent to Davao Today for publication. Please email your materials to davaotoday@gmail.com. Davao Today reserves the right to edit or refuse material for publication. *****
2007 Elections