(Hango sa datos ni Councilor Angela Librado-Trinidad)
By MALOU TIANGCO
Member, Gabriela-Southern Mindanao
Tunay nga me mga naisulong na programa
Para sa kapakanan, kaunlaran ng mga kababaihan sa lungsod
Nataguyod ang kampanya ng pagpapasuso sa gatas ng ina
Panawagan sa istruktura ng kababaihan sa barangay nasimulan
Pagbubukas ng tahanan sa mga biktima ng karahasan
Nahinto pagsusuot ng swimsuit sa hinirang na mutya
Mahigpit na pakikipag-ugnay sa mga pribadong organisasyong
Nagtataguyod ng kapakanan ng kababaihan
Maaaring sabihin sa isang banda
Abante o nakalalamang kalagayan ng kababaihan sa Davao
Ang mga ito, sapat na nga ba?
Malaki ang hamon:
Pangangalakal sa bata at kababaihan pugsain
Ating lungsod ginagawang tagpuan at tambayan, mga bugaw na nagre-recruit
Naglipana’t waring nanunuya nagmeme-ari ng club sa kanilang mga bold shows
Mga kaso ng karahasan sa kababaihan na ang mga salarin
Ilan sa kanila’y alagad ng batas at task force na dapat sana sa kanila’y mangalaga
Panunugis sa krimen, di hiwalay sa mga berdugo sa mga bata at babae
‘Wag sanang panandaliang lunas lamang tugon sa kanilang hinaing
Tumbasan ng pondo pangangalaga sa mga nanay at kanilang dalang hanay
Lungsod ng Dabaw kinikilalang abante sa pamunuan lingkod bayan
Sapat na ba?
Di pwedeng ihiwalay sa pambansang kalagayan
Di kaayon-ayon paghihirap ng kababaihan
Sinasalamin uri ng lipunan ating ginagalawan
Yamang mataas pa rin ang pondo sa pagbayad sa pambansang utang sa mga dayuhan
Mas me pera sa bala ng armas, higit sa pondo sa pangkalusugan at edukasyon
Kaya nga sa bawat isang libong inang nagsisilang, maraming bilang ang nasasawi
Di man lang nadampian ng halik ang sanggol na iniluwal!
Mga inang nagdadalang-tao di nakaranas ng pagsangguni
Kanilang kalusugan at kalagayan
Mga inang nagsisilang, mga anak na binawian din ng buhay!
Me batas sa pangangalaga ng mga kabataan at kababaihan
Batas na inukit ngunit walang katuparan
Nakabalot pa rin sa dilim, kaligtasan ng mga bata at kababaihan
Binabalot pa rin ng karahasan at kalapastangan
Mga bata at babae—biktima ng prostitution, pangangalakal
At dahil pa rin sa kahirapan, nakikipag-ugnay sa mga dayuhan sa internet
Sila na kung tawagin ay mail-order brides, di kaya’y nangaaliw ng me bayad sa cybersex!
Hay!
Iba-ibang mukha ng karahasan nararanasan ng kababaihan
Paglabag sa karapatang pantao, malayang pagpapahayag ng paniniwalaan
Sa taong kasalukuyan, walong daan walong pu’t siyam ang dinakip, dinukot, ipiniit
Ang iba hanggang ngayo’y nawawala!
Sa bilang na walong pu’t siyam, dalawam pu’t siyam babae
Meron pa ngang nagdadalantao, pati sanggol na walang malay, walang ligtas!
Nakatala sa mga pribadong tanggapan
Mga babaeng kinukulata, hinahalay
Mistulang alipin sila’y tratuhin
Marami pang laban ang dapat suungin
Sa kalunus-lunos na kalagayan ng kababaihan
Di maiaahon ng hiwalay sa hamong pagbabago sa ating lipunan!
Hamon sa Dabaw
Hamon ng Kababaihan, Sama-sama tayong lilikha
Sa mapayapa at mapagpalayang umaga!s
Gender Issues